DOH, magre-recruit ng mga consultant

By: ARIANNE JAYMEL

Ikinukunsidera ni Health Secretary Teodoro Herbosa ang pag-recruit ng mga karagdagang eksperto para sa nursing sector.


“Nag-iisip ako sa nursing na kumuha ng consultant kasi isa sa malaking crisis ‘yan so mga nursing expert,” ayon kay Herbosa sa panayam sa sidelines ng 1st Philippine National AIDS Council (PNAC) HIV Summit na ginanap sa Pasay City nitong Setyembre 8.

Nabatid kay Herbosa na bubuo rin ng National Nursing Advisory Group of Technical Experts para maresolba ang kakulangan sa nurse ng bansa.

Ipinaliwanag ni Herbosa na ang advisory group ay isang specialized panel para kumuha ng mga professionals na ubrang magkaloob ng critical insight at guidance sa hamon na hinaharap ng nursing sector.


Ang posibleng recruitment ng karagdagang consultants ay layon na madagdagan ang DOH personnel.

Binigyang-diin rin ni Herbosa ang kahalagahan ng nursing professionals sa healthcare system ng bansa at pagkilala sa bigat ng hamon ng nursing sector.


Idinagdag pa nj Herbosa na ang naturang strategic plan ay bahagi ng commitmemt ng DOH para mapagbuti ang healthcare service at mapadami pa ang mga expert adviser.


Tags: Health Secretary Teodoro Herbosa

You May Also Like