Nakatakdang Ipatupad ng Department of Health (DOH) ang Philippine Acceleration Action Plan for Tuberculosis (PAAP-TB), isang multisectoral initiative, sa layuning tuluyan nang puksain ang tuberculosis (TB) sa bansa pagsapit ng taong 2035.
Ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire, katuwang nila ang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD), Department of Education (DepEd), Department of Labor and Employment (DOLE), at Department of the Interior and Local Government (DILG), at sa pamamagitan ng PAAP-TB, magkaloob na ng mas malawak na access sa mga health services, at paghusayin pa ang edukasyon at public information, social protection, at labor protection upang puksain ang naturang karamdaman.
Ang Tuberculosis o TB ay isang chronic communicable disease na pangalawa lamang sa COVID-19, bilang pangunahing sanhi ng mortality mula sa isang single infectious organism.
Ayon sa Global TB Report 2022, ang naturang karamdaman ang itinuturong dahilan ng may 1.6 milyong pagkamatay noong 2021.
Batay naman sa isang preliminary report mula sa Philippine Statistics Authority (PSA) ngayong taon, ang TB pa rin ang pang-11 sa mga pangunahing sanhi ng kamatayan ng mga Pilipino. (Philip Reyes)














