Latest News

DOH, ISASAILALIM SA CODE WHITE ALERT SA HOLY WEEK

By: Jaymel Manuel

Kaugnay ng Semana Santa, ilalagay sa ilalim ng code white alert ang Department of Health (DOH) mula Marso 24 hanggang Marso 31,2024.

Idineklara ang Code white alert sa panahon ng national events, holidays, o selebrasyon na posibleng magkaroon ng mass casualty incident o emergency, bilang paghahanda para sa pagdagsa ng mga indibiduwal at pamilya na pupunta sa mga lalawigan, tourist spots at mga simbahan.

Sa ilalim ng Code White Alert, naka-standby sa mga pagamutan ang mga medical personnel at staff para manggamot ng mga darating na pasyente at sa pamamagitan ng Health Emergency Management Bureau (HEMB), ang DOH ay patuloy na magsasagawa ng aktibong monitoring.

Lahat ng sa DOH Centers for Health Development (CHDs) sa rehiyon ay dapat umanong makipag-ugnayan sa kani-kanilang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, partikular na iyong lugar na may tourist attractions at religious areas.

Samantala, pinayuhan ng DOH ang publiko na maging ligtas at malusog sa pag-observe ng Semana Santa, sa pamamagitan ng pag-inom ng.malinis na tubig, upang mapigilan ang dehydration at pag-iwas sa matagal na pagbibilad sa init ng araw.

Tags:

You May Also Like

Most Read