Latest News

DOH, INALIS NA ANG CODE BLUE ALERT SA TIGDAS AT PERTUSSIS

By: JANTZEN ALVIN

Tinanggal na ng Department of Health (DOH) ang Code Blue alert para sa pertussis (ubong dalahit) at tigdas dahil sa patuloy na.pagbaba ng mga kaso sa bansa.

Matatandaang ang bansa ay inilagay sa Code Blue alert noong Marso 20, 2024 ng DOH Central office at Public Health Emergency Operations Center (PHEOC) upang agad na magawan ng paraan para maibaba ang mga kaso ng.pertussis at tigdas.


Sa datos ng DOH mula Mayo 12 hanggang Mayo 25,2024 bumaba sa 38% ang kaso makalipas ang 2 linggo.Habang 37% naman ang ibinaba ng tigdas kumpara noong Abril 28 hanggang Mayo 11.

Sa kasalukuyang datos mula Enero hanggang Hunyo 8,2024 ay patuloy ang pagbaba ng kaso ng pertussis sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kung saan ang kaso ng tigdas ay bumaba ng 58% noong Mayo 12 hanggang Mayo 25,2024 kumpara sa naitalang mga kaso noong Abril 28 hanggang Mayo 11,2024.

Umabot sa 1,203,497 indibiduwal o 87.9 % ng eligible population ang nabakunahan.

Samantala ay nagpaabot ng pasasalamat ang DOH sa Local Government Units, partikular na sa BARRM Ministry of Health sa kanilang pagsusumikap na.mapababa ang kaso ng pertussis at tigdas sa bansa.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read