Latest News

DOH, INAASAHAN ANG PAGTAAS NG KASO NG LEPTOSPIROSIS

By: Philip Reyes

Ipinahayag ng Department of Health (DOH) na inaasahan nito ang pagtaas ng mga kaso ng leptospirosis sa loob ng dalawang linggo matapos ang malawakang pagbaha dahil sa bagyong Kristine.

“In the next two weeks, nakabantay ang DOH kasi ina-anticipate natin na tataas ang mga kaso ng leptospirosis [dahil] sa dami ng mga nabaha hindi lang sa Bicol, [kundi] nationwide,” ani
DOH spokesperson Assistant Secretary Albert Domingo.

Ayon pa kay Domingo, bago ang pananalasa ng bagyong Kristine ay bumaba na ang kaso ng leptospirosis pero inaasahan ang muling pagtaas ng kaso dahil maraming tao ang nalubog sa baha.


Kaugnay nito, nanawagan si Domingo sa mga nakalusong sa baha na magtungo sa kanilang mga health center at magpa- konsulta sa kanilang mga doktor, gayundin, ang mga tao na nasa evacuation center para malaman kung dapat silang umiinom ng Doxycycline, ang gamot laban sa leptospirosis.

“‘Pag sinabing high risk at ‘yun ‘yung mga nakatira sa lugar na talagang hindi pa bumaba ‘yung baha, binibigyan sila ng gamot. Ang protocol ay once a week, so pinapabalik-balik sila,” dagdag ni Domingo.

Ang leptospirosis ay isang bacterial infection na inililipat gaya ng ihi mula sa infected na daga na naihahalo sa tubig – baha.

Ang mga sintomas ng leptospirosis ang lagnat, pagsusuka, nausea, muscle pain at headaches.


Tags: Department of Health (DOH) Ilocos Regional Director Paula Paz M. Sydiongco

You May Also Like

Most Read