DOH-ILOCOS, MAY CERVICAL AT BREAST CANCER SCREENING

By: Philip Reyes

INUMPISAHAN na ng Department of Health (DOH)– Ilocos Region ang libreng cervical at breast cancer screening nito sa Ilocos Region.

Napag-alaman na kabilang sa mga isinailalim sa creening na isinagawa sa lalawigan ng La Union ay mga babaeng edad 30-65-anyos, upang makatulong na maiwasan ang development ng kanser sa mga kababaihan.

Isinagawa ng DOH ang aktibidad sa pakikipagtuwang sa Department of Obstetric and Gynecology, Ilocos Training and Regional Medical Center (ITRMC) at mga local government units ng rehiyon.


Ayon kay Regional Director Paula Paz M. Sydiongco, malaking tulong ang screening tests upang matukoy ang kanser sa early stage nito, o bago pa man lumitaw ang anumang sintomas ng sakit.

“Kapag may abnormalities na makikita sa screening mas madali itong mabigyan ng treatment bago pa ito kumalat sa katawan. Kaya we are encouraging all women to undergo screening para malaman nila ang kanilang health status,” aniya pa.

“Through prevention and proper information about cancer, we can significantly reduce women’s health risk. And better understanding of cancer and its causes also makes people better able to support those with the disease in their family,” dagdag pa ni Sydiongco.

Nabatid na ang screening test para sa cervical cancer ay nakaka-detect ng impeksiyon ng human papillomavirus (HPV), na 99% na nagdudulot ng cervical cancer sa mga kababaihan at ikalawang pangunahing sanhi ng cancer-related deaths sa buong mundo.


Kada taon, mayroong mahigit 6,000 bagong kaso ng cervical cancer na nada-diagnosed sa bansa, habang 12 naman ang naitatalang namamatay araw-araw dahil sa naturang sakit.

Ayon kay Regional Cancer Control Program Manager Francisco de Vera, Jr., ang total target nila na maisailalim sa screening sa Region 1 ay 1,022,108.

Ang lahat naman aniya na matutuklasang positibo sa sakit ay kaagad nilang inire-refer sa ITRMC para sa obserbasyon at treatment.

“They will be given the necessary care for them to get well. Cervical cancer is preventable and treatable with the HPV vaccine including screening and treatment,” dagdag pa ni De Vera.


Anang DOH-Ilocos Region, ang libreng mobile screening para sa cervical at breast cancer ay patuloy na bibisita sa iba’t ibang munisipalidad sa lahat ng lalawigan ng Ilocos.

Tags: Department of Health (DOH) – Ilocos Region

You May Also Like

Most Read