Latest News

DOH HOSPITALS, AAMPUNIN ANG MGA ILILIKAS NA PASYENTE MULA SA PGH

By: JANTZEN ALVIN

Pansamantalang aampunin ng mga ospital sa ilalim ng Department of Health (DOH) ang mga pasyenteng inilliikas mula sa mga nasunog na wards ng Philippine General Hospital (PGH)..

Napag-alaman sa DOH Health Emergency Management Bureau (HEMB) na ililipat muna sa iba’t-ibang ospital ng DOH ang mga inilikas na pasyente ng PGH matapos sumiklab ang isang sunog doon alas-3 ng hapon.


Inatasan ng DOH ang kanilang mga ospital na maghanda para maa-accomodate ang mga apektadong pasyente na karamihan ay senior citizen at diumano ay nagtipon-tipon sa parking area matapos na mailikas mula sa sunog.

Kasabay niyan ay nag-atas din ang DOH sa kanilang mga hospital na rebisahin ang kanilang fire evacuation plans at magsagawa ng ‘risk analysis’ sa kanilang mga pagamutan, kaugnay na rin ng Fire Prevention Month.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read