Umaabot na sa mahigit 72.1 milyong mga Pinoy ang fully vaccinated na sa COVID-19.
Sa datos na inilabas ng Department of Health (DOH) nitong Martes, nabatid na ang naturang bilang ay naitala nila hanggang noong Agosto 15, 2022 lamang.
Kabilang anila sa mga nabakunahan na ay halos 6.8 milyong senior citizens, mahigit 9.8 milyong adolescents at mahigit 4.4 milyong kabataan.
Mayroon na rin namang mahigit 17 milyon ang mga indibidwal na nakatanggap na ng kanilang 1st booster dose habang mahigit 1.8 milyon naman na ang nakatanggap na ng kanilang 2nd booster shots.
Kaugnay nito, muling hinikayat ng DOH ang publiko na magpabakuna upang magkaroon sila ng dagdag na proteksiyon laban sa COVID-19. (Anthony Quindoy)














