DOH: Halos 3.5M indibidwal, naturukan ng COVID-19 booster shots sa unang 100 araw ni PBBM

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na halos 3.5 milyong indibidwal ang nakatanggap ng COVID-19 booster shot sa ilalim ng Pinaslakas vaccination campaign ng pamahalaan, sa unang 100-araw ni Pang. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr..

Matatandaang ang PinasLakas Campaign ay inilunsad ng DOH noong Hulyo 26 bilang tugon sa direktiba ni Pangulong Marcos na bakunahan ang 90% ng populasyon ng A2 o mga senior citizen, at 30% ng eligible population na may unang booster dose upang mapanatili ang wall of immunity ng bansa laban sa COVID-19.

Batay sa datos na inilabas ng DOH, nabatid na hanggang nitong Oktubre 6, 2022 ay nasa 3,433,713 indibidwal mula sa eligible population ang nabigyan ng booster shots at 45,255 senior citizens ang nabakunahan.


“The numbers helped improve the country’s vaccination rate for fully vaccinated individuals to 93.81% or 73.3 million Filipinos as of October 6, 2022,” ayon sa DOH.

Ayon pa sa DOH, ang bilang ng mga Pinoy na nakatanggap ng first booster dose ay tumaas din sa 25.62% ng general population o 20 milyong indibidwal.


“The DOH also sustained its testing capacity with an average daily demand-driven output of 17,788 tests per day from 350 DOH-licensed laboratories as of September 30,” ayon pa sa DOH.

Pinalakas din ng gobyerno ang kanilang COVID-19 detection, control at isolation, at hiningi ang suporta ng local government units (LGUs) upang makatiyak sa mahigpit na pagpapatupad ng COVID-19 protocols.


Kaugnay nito, nagpalabas din ang gobyerno ng mahigit P26 bilyon para sa benepisyo at kompensasyon ng health care workers sa bansa. (Anthony Quindoy)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read