Latest News

DOH, di na maglalabas ng arawang COVID-19 update

HINDI na umano maglalabas ng arawang COVID 19 update ang Department of Health(DOH) sa susunod na linggo.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa halip na araw-araw, ay gagawin na lamang nilang lingguhan ang paglalabas ng update hinggil sa COVID-19 situation sa bansa.

Nabatid na ang naturang update ay ilalabas tuwing Lunes, ng alas-4 ng hapon.

Samantala, sa kabila ng pagbabagong ito sa kanilang pag uulat ng mga kaso ng virus infection sa bansa, ay patuloy pa ring naka-monitor ang DOH sa COVID-19 situation.

Tiniyak ni Vergeire na kaagad silang maglalabas ng update sakaling makita nila ang pangangailangan para dito.

Ang naturang deaisyon ay ginawa ng DOH ,kasunod ng patuloy na pagbaba ng COVID 19 kung saan nakapagtala ng 1,067 bagong kaso,kahapon ng alas 4 sa bansa. (Jaymel Manuel)

Tags:

You May Also Like

Most Read