Nanindigan ang Alliance of Health Workers (AHW) na dapat papanagutin ang Department of Health (DOH) sa may P7.4 bilyon halaga ng gamot na iniulat ng Commission on Audit (COA) na nasayang.
Sinabi ni AHW President Roberto Mendoza na kinokondena nila ang pagka-iresponsable at kapabayaan ng DOH.
Ayon pa kay Mendoza,hindi ito ang unang pagkakataon na naglabas ang COA ng kanilang report kaugnay sa mga na-expired at hindi naipamahaging gamot kada taon ng DOH.
Sa inilabas na report ng COA noong Setyembre 6 ,lumalabas na ang mga gamot na ito ay iyong mga kinlaspikang expired. malapit ng mag-expire, damaged, overstocked, excessive, understocked, slow-moving, undistributed, distributed late o tinanggap nang mas mababa sa 18 buwan.
Gayundin, napag-alaman na may dalawang milyon vials ng COVID 19 vaccines ang na-expired din.
Idinagdag ni Mendoza na sa 2024 budget, dapat na direkta ang alokasyon para sa maintenance at iba pang gastusin ng 69 na ospital na affiliated sa DOH para hindi na maulit na masayang ang mga gamot.
“We stand firm that the budget for the year 2024 for Purchase and Allocation of Drugs, Medicines and Vaccines amounting to P27.907 billion must be directly allocated to the Maintenance and Other Operating Expenses of the 69 DOH hospitals, so as not to lead to misuse and corruption of people’s money and the people themselves can avail the free medicines in public hospitals,” dagdag ni Mendoza.














