Latest News

DOH COVID updates, lingguhan na lang

TUWING Lunes na lamang magpapalabas ng COVID 19 update ang Department of Health (DOH).

Nabatid na nakapagtala ang DOH ng 6,297 bagong kaso ng COVID-19 mula Marso 1-7 sa bansa.

Ang datos ay inilabas ng DOH nitong Lunes ng hapon, kung kailan sinimulan na rin ang paglalabas na lamang ng ahensiya ng weekly COVID-19 updates o tuwing Lunes na lamang na paglalabas ng update, kumpara sa dating arawang case bulletin.

Sa weekly update ng DOH, ang average na bilang ng bagong kaso kada araw ngayong linggo ay nasa 899.

Mas mababa naman ito ng 30% kung ikukumpara sa mga naitalang kaso noong nakaraang linggo o mula Pebrero 22 hanggang 28.

Sa mga bagong kaso na ito, tatlo ang severe at critical.

Nabatid na sa kabuuan, may 1,055 kaso ng severe at critical COVID- 19 cases ang naka-admit sa ospital.

Habang nasa 615 naman ang naitalang bagong nasawi nitong nakaraang linggo.

Pero sa bilang na ito, 39 lang ang nangyari ngayong Marso, ang iba ay noong nakaraang buwan at nakalipas na taon pa.

Ayon pa sa DOH nasa 3,138 ICU beds para sa mga pasyenteng may COVID-19, 807 (25.7%) ang okupado.

Nasa 18.4% naman ng 24,678 non-ICU COVID-19 beds ang kasalukuyan ding ginagamit.#

Mga madre, dismayado sa malaganap na pag-buso sa mga kababaihan

Dismayado ang grupo ng mga madre sa laganap nanpang aabuso sa lababaihan at kabataan.

Sinabi ito ni Missionary Benedictine nun na si Sr. Mary John Mananzan, O.S.B sa sa naganap na online Ecumenical gathering bilang paggunita ng International Women’s Day ngayong taon.

Ayon kay Sr. Mananzan, ang Online Sexual Abuse and Exploitation of Children ang isa sa mga suliraning kinahaharap ng mga kabataan at kababaihan sa kasalukuyan.

Hindi umano katanggap-tanggap ang pang-aabuso kung saan kadalasan ay mga magulang at kaanak pa ang naglalantad sa mga biktima.

Isang malaking kahihiyan rin sa bansa na matukoy ng United Nations Children’s Fund (UNICEF) bilang sentro ng naturang cybercrime laban sa mga kababaihan at mga kabataan.

“Meron tayong bagong stage of struggle yung tinatawag na OSAEC o Online Sexual Abuse and Exploitation of Children through Cyber yung tinatawag na Cyber Crime. I want to call your attention on it because the UNICEF has said that the Philippines is the vortex, is the center of this OSAEC and that is such a shame kasi maraming kabataan po kababaihan yan although hindi lang kababaihan pero yan po ang new part of our struggle and I want to ask all of you to take part in this struggle against this cybercrime” ayon kay Sr.Mananzan.

Samantala, nanawagan rin ang Madre sa bawat isa na maging mapagbantay sa pamayanan kaugnay sa mga pang-aabuso na kinahaharap ng mga kabataan at kababaihan.

Tags:

You May Also Like

Most Read