DOH: COVID-19 deaths sa Pinas, bumababa na

INIULAT ng Department of Health (DOH) nitong Lunes na unti-unti nang bumababa ang bilang ng mortality rate o yaong mga pasyenteng namamatay dahil sa COVID-19 sa bansa.

“Dito po sa mortality rate ng COVID, pababa na po nang pababa ang pagkakamatay dito sa ating bansa, in terms of COVID-19,” ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, sa panayam sa radyo, matapos na matanong kung bakit marami pa ring naitatalang COVID-19 deaths.


“Actually po, ‘pag kinumpara ho natin ‘yung atin pong datos ng deaths from the previous nung January, March, mababa na ho,” aniya pa.

Ipinaliwanag rin naman ni Vergeire na ang ilan sa mga iniuulat na namatay dahil sa COVID-19 ay nangyari may ilang buwan na ang nakalilipas at nadadagdag lamang sa kasalukuyang datos.

“‘Pag nakita kasi natin ang ating death data, ito po ay pinaghalo-halo, nami-mix po ‘yun pong mga ibang buwan na pagkakamatay dito po sa current na nire-report natin because of the validation being done by the local governments po. Kaya po minsan ganu’n po ang ating nakikitang deaths du’n sa ating mga reports,” paliwanag pa niya.


Matatandaang nitong Abril, daang pasyente ng COVID-19 ang iniulat na namatay kada linggo.

Hanggang nitong Mayo 1 naman, umaabot na sa 60,397 ang COVID-19 death toll sa bansa. (Philip Reyes)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like