Maaari umanong pagsapit ng katapusan ng Agosto ay umabot na sa mahigit 19,000 kada araw ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 na maitatala sa bansa.
Sinabi ng Department of Health (DOH) nitong Martes na base sa kanilang latest projections at kasalukuyang case trends, posibleng umabot na ng 19,306 kaso sa national level ang maiuulat kada araw, pagsapit ng Agosto 31.
“Based on our latest projections and our current case trends, the number of detected cases at the national level are projected to be on a continuous uptrend, with an estimated 19,306 cases reported daily by August 31,” anang DOH.
Gayunman, maaaring mapabagal at mas kontrolado ito sa 6,194 hanggang 8,346 kaso lamang, sa pamamagitan nang pagpapahusay ng vaccination at booster rates, gayundin ang pagpapatuloy ng istriktong pagtalima sa minimum public health standards (MPHS).
“However, with the improvement of vaccination and booster rates and MPHS compliance, case increase may be slower and more controlled at about 6,194 to 8,346 cases by the end of August,” anito pa.
Anang DOH, bukod sa potensiyal na pagtaas ng mga kaso, mahalaga ring mamonitor ang hospital utilization rates at admissions.
“While we do consider COVID-19 case numbers in determining an area’s alert level, we would like to emphasize the larger focus we have on admission and hospital utilization rates,” anito pa. “With the advances in COVID-19 treatment and the availability of vaccines to combat severe and critical disease, as well as deaths, we now have the capability to reduce the vulnerable population and keep hospital utilization and fatalities to a minimum.”
Muli ring hinikayat ng DOH ang publiko na patuloy na magsuot ng mga best-fitting masks, mag-isolate at impormahan ang mga close contacts kung nagkasakit at tiyaking mayroong good airflow upang makontrol ang pagkalat ng virus.
“If such factors will be adhered to and implemented by ourselves immediately, a decline in cases may be observed sooner,” ayon pa sa DOH. (Philip Reyes)