DOH chief sa publiko: Mag-ingat sa ‘ma’ foods ngayong Kapaskuhan

By: Jaymel Manuel

Pinag-iingat ni Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa ang publiko laban sa mga tinaguriang ‘ma’ foods ngayong holiday season.

Ayon kay Herbosa, kabilang dito yaong matataba, maaalat at matatamis na pagkain, na karaniwan nang handa sa kaliwa’t kanang mga get together at Christmas parties.

Sinabi ni Herbosa na maaari namang kumain ng mga naturang pagkain ngunit dapat na ‘in moderation’ lamang.


Babala pa niya, nananatili pa ring ang sakit sa puso ang pangunahing kadahilanan nang pagkamatay ng mga Pinoy.

“What I worry about more is the lifestyle illnesses, so sabi ko bawal ‘yung mga ‘ma’ foods: bawal ‘yung mga mataba, maalat, at matamis. Masustansya rin ‘yung mga salad, fruits, and it’s also about moderation,” ayon pa sa DOH chief, sa panayam ng Headstart ng ANC.

“Yes it’s bawal, pero hindi rin bawal ‘yung tumikim. Once malasahan mo na e di okay na ‘yun, natikman mo na ‘yung food that was served,” aniya pa.

Warning pa niya, mahirap magdiwang ng Pasko sa emergency room ng mga pagamutan. “It’s nice to celebrate, but I don’t want the Filipinos to celebrate in the emergency room of hospitals.”


Tags: Department of Health (DOH) Secretary Ted Herbosa

You May Also Like

Most Read