DOH: 671 bagong kaso pa ng Omicron COVID-19 subvariants, natukoy sa Pilipinas

Iniulat ng Department of Health (DOH) nitong Miyerkules na mayroon pang 671 bagong kaso ng Omicron COVID-19 subvariants ang natukoy nila sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling COVID-19 biosurveillance report ng DOH, nabatid na 468 sa mga naturang bagong kaso ay klasipikado bilang BA.2.3.20; 149 ang XBB; siyam ang XBC; walo ang BA.5; apat ang BN.1; at 33 ang iba pang omicron sublineages.

Anang DOH, kabilang sa mga bagong kaso ng XBB ang tatlong kaso ng XBB.1.5 habang kasama naman sa BA.5 cases ang anim na kaso ng BQ.1.
Sa karagdagang BA.2.3.20 cases, 460 ang local cases mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 4B, 5, 6, 7, 12, CAR, Caraga, at NCR.


Isa naman ang returning overseas Filipino (ROF) habang ang case type ng natitira pang pito ay biniberipika pa.

Sa mga karagdagang XBB cases naman, 146 ang pawang lokal na kaso mula sa Regions 1, 2, 3, 4A, 5, 6, 7, 9, 12, CAR, Caraga, at NCR, habang tatlo ang XBB.1.5 cases. Ang natitira pang tatlo ay biniberipika.


Anang DOH, ang lahat ng karagdagang XBC cases ay pawang local cases mula sa Regions 7, 9, 12, at Caraga.

Samantala, sa mga bagong kaso ng BA.5, pito ang local cases na mula sa Regions 7, 9, 12, at NCR, habang ang case type ng natitira pang kaso ay biniberipika pa.


Ang mga bagong kaso naman ng BA.2.75 cases ay pawang ROFs at ang natitira pang kaso ay lokal lamang na mula sa NCR.

Nabatid na ang resulta ng mga samples, na iprinoseso ng University of the Philippines-Philippine Genome Center noong Pebrero 27, at inilabas lamang nitong Miyerkules. (Philip Reyes)

Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read