Latest News

DOH: 2 bagong Omicron subvariants, hindi dapat ikabahala

NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi pa dapat na ikabahala ang pagkakadiskubre ng dalawang bagong sub-variants ng Omicron na natukoy sa ilang lugar sa mundo, kabilang ang Africa at Europa.

Nabatid na ang naturang bagong sub-variants na BA.4 at BA.5 ay pinag-aaralan na ngayon ng World Health Organization (WHO).

“Although there have been detected cases in South Africa, Botswana, Belgium, Denmark and the UK, this should not be any cause of concern,” anang DOH, sa isang pahayag.


“There are also early indications that these new sub-lineages are increasing as a share of genomically confirmed cases in South Africa. There are currently no reported spike in cases, admissions or deaths in South Africa,” dagdag pa nito.

Anang DOH, sa ngayon ay wala pa ang resulta mula sa pinakahuling genome sequencing noong nakaraang buwan.


Wala pa rin umano silang natutukoy na Omicron XE sa bansa.

Una nang sinabi ng ahensiya kamakailan na ang naturang sub-variant ay kumbinasyon ng BA.1 at BA.2, na siyang predominant sa buong mundo at higit itong mas nakakahawa kumpara sa ibang COVID-19 variant. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read