Latest News

DOH: 14 rehiyon, nakitaan ng pagtaas ng dengue cases

Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Huwebes na nakikitaan ng pagtaas ng dengue cases ang 14 mula sa 17 rehiyon sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, kabuuang 39,705 dengue cases na ang kanilang naitala mula Enero 1 hanggang Hunyo 4 lamang.


Ang naturang bilang ay 31% na mas mataas kumpara sa naitala sa kahalintulad na panahon noong 2021.

Ani Vergeire, naitala ang pinakamataas na bilang ng mga kaso sa Central Visayas, Central Luzon, at Zamboanga Peninsula.

“‘Yun pong ibang mga regions, we’re already noting increasing trends in recent 4 morbidity weeks. Fourteen of 17 regions nakapag-exceed ng epidemic thresholds for the past 4 weeks,” ani Vergeire.


Nakapagtala rin aniya ng kabuuang 202 deaths dahil sa dengue ngayong taon.

Kaugnay nito, hinimok ni Vergeire ang publiko na patuloy na obserbahan at sundin ang 4S strategy upang maiwasan ang dengue. (Anthony Quindoy)


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like