Latest News

DOE, nakiisa sa Workshop on Offshore Wind Farms

Nakiisa ang Department of Energy (DOE) sa DUROS 2 Multi-Stakeholder Consultation and Solutions-Based Participative Workshop on Offshore Wind Farms na ginanap sa Pili, Camarines Sur.

Kasama sa workshop ang mga mangingisda, coastal community, local government unit, academe at civil society organizations, upang talakayin ang mga pagkakataon at hamon ng offshore wind development ng San Miguel Bay.


Sa pamamagitan ng bukas na dayalogo, ibinahagi ng mga kalahok ang kanilang mga pananaw sa pangangalaga sa kabuhayan, marine ecosystem at pantay na pagbabahagi ng benepisyo.

Muling pinagtibay ng DOE ang pangako nito sa pagtiyak na ang renewable energy transition ng bansa ay ginagabayan ng agham, transparency at makabuluhang partisipasyon ng stakeholder.

Sa pakikinig sa mga boses ng mga apektadong komunidad, patuloy umanong isinusulong ng DOE ang mga patakarang nagtataguyod ng malinis na enerhiya habang pinangangalagaan ang kapakanan at kabuhayan ng mga mangingisdang Pilipino at mga residente sa baybayin. (Tony Gildo )


Tags: Department of Energy (DOE)

You May Also Like

Most Read