Latest News

DOE, handang magpaliwanag sa Senado ukol sa kakapusan ng supply ng kuryente

Nakahandang humarap si Energy Secretary Sharon Garin sa Senado kung kinakailangan, upang maipaliwang ang nangyayaring kakapusan ng supply ng kuryente sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Sinabi ni Garin na patuloy ang kanilang ginagawang mga paraan upang mas maging episyente ang supply ng kuryente partikular sa Visayas grid na isa sa lubhang naapektuhan ng pagnipis ng supply ng kuryente.


Dagdag pa ng Kalihim na dahil sa init ng panahon ay tumataas ang demand ng kuryente, dahilan ng pagnipis ng supply nito at isa na rin sa mga dahilan ang pagbigay ng ilang power plants dahil sa mainit na panahon.

Patuloy naman aniya ang pakikipag- coordinate ng kanilang kagawaran sa ERC- NGCP at NEA upang maresolba ang problema sa supply ng kuryente sa iba’t- ibang bahagi ng bansa. (TONY GILDO)


Tags: Energy Secretary Sharon Garin

You May Also Like

Most Read