Latest News

DND, TINANGGIHAN SI PASTOR QUIBOLOY

By: Victor Baldemor Ruiz

TAHASANG inihayag kahapon ng Department of National Defense na kanilang sasalungatin ang anumang pagtatangka na ilipat sa kustodiya ng Armed Forces of the Philippines ang nadakip na leader ng Kingdom of Jesus Christ Pastor Apollo Quiboloy.

Sa statemement na inilabas ni DND Public Affair Service Chief Director Arsenio R. Andolong, sinabi nitong:” The Department of National Defense will oppose any motion to have Pastor Quiboloy transferred to AFP custody. AFP facilities are subject to strict operational security protocols, thus, the AFP is not the proper agency to have custody of suspects in criminal cases.

Lubha umanong mahigpit ang ipinatutupad na operational security sa loob ng kampo kaya hindi tamang ahensiya ang AFP sa pangangalaga ng mga akusado sa mga kasong kriminal.


Nabatid pa na kahapon ay isang mataas na opisyal ng DND ang nagtungo sa Pasig RTC Branch 159 para maghain ng pagtutol sa isinumiteng motion ng kampo ni Quiboloy para ilipat ito sa military custody.

Kaugnay nito ay inihayag naman ng tagapagsalita ng AFP na si Col. Francel Margareth Padilla na sakaling paboran ng korte ang hiling ng kampo ni Pastor Quiboloy ay kanila itong igagalang.

“We respect whatever will come out from [the court],” ayon pa sa AFP spokesperson.

Sa ginanap na pulong-balitaan sa Camp Aguinaldo , inihayag ni Col Padilla na: “Handa naman tayo, but not really honing in on particular individuals. We have facilities in place and we would be respecting the role of the PNP in this and we defer to what will come out from [the court].”


Katwiran ng KOJC, natatakot sila sa seguridad ni Quiboloy sa loob ng Kampo Crame kaya nais nilang mailipat ito sa AFP Custodial facilities.

Samantala, kinilala na rin ng Philippine National Police ang naging papel ng Armed Forces of the Philippines sa tuluyang paglutang ni Quiboloy.

Ayon sa PNP, naging instrumento ang Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) para magtagumpay ang unang nangyaring negosasyon sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at kampo ni Quiboloy.

Sa tulong aniya ng PNP Intelligence Group (IG) at ISAFP ay naging mapayapa ang negosasyon at maayos ngang napasuko ang matagal nang nagtatagong pastor, kasama ang mga kapwa akusado na sina Jackielyn Roy, Ingrid Canada, Cresente Canada at Sylvia Cemanes.


Sa ilang social media post na hindi kinumpirma ng AFP ay sinasabing sumuko si Quiboloy kay Maj General Edmundo Peralta, ang pinuno ng ISAFP, nuong September 8, kaya marami ang umaasa na ilipat ito sa kustodiya ng AFP.

Tags: Apollo Quiboloy, Department of National Defense

You May Also Like

Most Read