Latest News

DND SEC. LORENZANA, NAGPASALAMAT SA MGA SUNDALO

ISANG memorable na testimonial dinner ang inihanda ng Philippine Army para kay outgoing Department of National Defense Secretary Delfin N. Lorenzana na ginanap sa Philippine Army Officers Clubhouse sa Fort Bonifacio, Metro Manila .

Doon ay pinasalamatan ni Army Commanding General Lt. Gen. Romeo si Sec. Lorenzana sa suporta nito sa mga programa at modernization ng Philippine Army sa loob ng kanyang anim na taong panunungkulan bilang Defense Chief.


“In particular, the Philippine Army has acquired game-changer equipment and big-ticket items under the Horizon 2 of AFP Modernization Program, which will surely bolster the conduct of combined arms operations, and enable our entire force to win against the various threat groups across the archipelago,” pahayag ni Army Chief.

Samantala sa ginagawang exit call ng kalihim ay nagpaalam ito at nagpahatid- pasasalamat sa mga sundalo nang bisitahin niya ang tropa ng Eastern Mindanao Command sa Camp Panacan sa Davao City kamakalawa.

Sa kanyang pagharap sa mga sundalo, binati ng kalihim ang EASTMINCOM sa kanilang “impressive achievements” laban sa NPA sa kanilang nasasakupan.


Inihayag pa ni Sec. Lorenzana na maging si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ay humanga sa mga nagawa ng mga sundalo ng EASTMINCOM kabilang ang pagbuwag ng pitong guerilla fronts, pagnutralisa ng 740 NPA members at 71 high-value individuals (HVIs) noong 2021.

Habang siyam na guerilla fronts ang nabuwag, at 236 NPA members, at 24 HVI ang na-nutralisa ngayong 2022.


Nagpasalamat naman si Eastern Mindanao Command Chief LtGen. Greg T. Almerol sa kalihim sa lahat ng kanyang suporta na naging daan sa tagumpay ng EASTMINCOM laban sa NPA.

Ayon kay Almerol, ang mga modernong military assets, bagong pasilidad, at mga programa na ipinagkaloob ng DND at AFP General Headquarters sa mga tropa sa termino ni Sec. Lorenzana ang naging susi sa matagumpay na pagganap ng mga sundalo ng kanilang mandato bilang protektor ng mga mamamayan. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Department of National Defense Secretary Delfin N. Lorenzana

You May Also Like