Ang pagkamatay ni Jose Maria Sison ay simbolo lamang ng gumuho ng hirerkiya ng Communist Party of the Philippine-New Peoples Army-National Democratic Front of the Philippine (CPP-NPA-NDF, na itinatag niya para marahas na ilagay ang sarili sa kapangyarihan.
Ito ang inilabas na statement ng Department of National Defense kaugnay sa pagkamatay ng 83 anyos na CPP-NPA founder Ka Joma Sison kamakalawa ng gabi sa The Netherland.
“His death deprived the Filipino people of the opportunity to bring this fugitive to justice under our country’s laws, ani DND spokesperson Director Arsenio Andolong.
Ang kanyang pagkamatay ay nag-alis ng pagkakataon sa mamamayang Pilipino na dalhin ang puganteng ito sa hustisya sa ilalim ng mga batas ng ating bansa, ayon pa sa inilabas na pahayag.
Sinasabing si Sison ang responsable sa pagkamatay ng libu-libong kababayan natin. Ang mga inosenteng sibilyan, sundalo, pulis, bata at kabataang mandirigma ay namatay dahil sa kanyang pag-uutosg pa ni Andolong
Nananawagan kami sa natitirang iilang mananampalataya ng komunistang kilusan, na hindi sinasadyang naging kaaway ng bayan, na nabulag pa rin sa mga duplicit at bigong pangako ni Sison, na talikuran ang marahas at huwad na ideolohiya ng CPP-NPA-NDF, ayon pa sa statement na inilbas ng kagawaran.
Limang dekada ng brutal at madugong pananalakay laban sa estado at sambayanang Pilipino ay walang ibang naidulot kundi pagkawasak at alitan para sa libu-libong Pilipino.
Isang bagong panahon na wala si Jose Maria Sison ay sumisikat para sa Pilipinas, at lahat tayo ay magiging mas mabuti para dito. Ang pinakamalaking hadlang ng kapayapaan para sa Pilipinas ay wala na; bigyan natin ngayon ng pagkakataon ang kapayapaan. Ani Andolong. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)














