Latest News

DND, NAGPULONG PARA PAIGTINGIN ANG LABAN KONTRA COVID-19

PINULONG ni Senior Undersecretary Jose Faustino, Jr., Officer-in-Charge ng Department of National ang lahat ng ahensya ng gobyerno na nasa ilalim ng National Task Force Against COVID-19 (NTF-COVID19) kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Romualdez Marcos, Jr., na paigtingin ang laban kontra COVID-19

Pinangunahan ni Defense OIC Faustino ang kanyang unang Organizational Briefing ng NTF-COVID19 sa Office of Civil Defense (OCD) Building sa Camp Aguinaldo, Quezon City .


Dito ibinahagi ni USec. Faustino sa mga kasapi ng Task Force ang direktiba mula sa kay President Marcos, Jr. na paigtingin ang “distribution and administration” ng bakuna at boosters sa buong bansa.

Ito ay bunsod ng posibilidad na muling magkaroon ng surge ng nasabing nakamamatay na sakit at kaugnay din sa napipintong pagbabalik ng face to face classes nationwide.

Si USec. Faustino, na tumatayo ring chairperson ng NTF COVID-19, ay nakipagpulong sa mga opisyal at kinatawan ng iba’t-ibang government agencies para talakayin ang mga bagay hinggil sa nakikitang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases.


“We cannot tell the virus to stop, so we should also not stop in anticipating what we can do to mitigate an increase in COVID-19 infections,” ani Faustino.

Sa nasabing pulong ay naglatag ang Department of Health (DOH) ng kanilang data hinggil sa kasalukuyang paglaki ng bilang ng COVID cases at ang ginagawang paghahanda para sa utilization ng mga healthcare facilities at Intensive Care Units (ICUs) sa buong bansa.


Nabatid na kasalukuyang naglalatag ng kanilang surge plan ang DOH na kanilang ipamamahagi sa lahat ng ospital para maihanda sila sa posibleng panibagong ‘spike’ ng covid. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Jr., Senior Undersecretary Jose Faustino

You May Also Like