Latest News

DND AT AFP, TATALIMA SA UTOS NG KORTE; 2 NAWAWALANG AKTIBISTA, PINALULUTANG

Ipinag-utos ng Court of Appeals sa Armed Forces of the Philippine ang pagsasagawa ng malalimang imbestigasyon hinggil sa dalawang nawawalang labor organizers na sinasabing dinukot ng military.

Agad namang tumugon ang Department of National Defense sa inilabas na kautusan ng CA. ang kanilang kagawaran at mga kaugnay na kawanihan ay may mandato na sumunod sa umiiral na batas sa bansa at gumalang sa karapatang pantao.

“We believe in our judicial processes and that they must be allowed to run their course. As such, we shall comply with the order of the Court of Appeals,” ani Dir. Andolong


Sa 46-pahinang desisyon ng CA, nakasaad na lahat ng respondents sa petisyon na kinabibilangan nina Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro at iba pang senior military officers at retired Gen. Ricardo De Leon, officer-in-charge ng Department of National Defense (DND) na magsagawa ng imbestigasyon sa pagkawala nina Elizabeth ‘Loi’ Magbanua at Alipio ‘Ador’ Juat.

Tumanggi namang magbigay ng kanilang pahayag ang AFP dahil wala pa umano silang natanggap na kopya ng resolution, kaya hindi pa umano napapanahon para magbigay sila ng komento bukod sa kailangan nila itong ikunsulta sa kanilang legal department.


“Those are legal issues that need the services of our lawyers. We need to consult them first,” ani Col Medel Aguilar AFP CRS chief at tagapagsalita ng Hukbo.

Dagdag pa ni Col Medel. “As the Constitutionally mandated organization tasked to protect the people and the State, we will always do what is necessary to work with our people, and to ensure their safety.”


Bukod sa inilabas na writ of Amparo ng Korte Suprema ay naglabas din ng kautusan ang CA ng Permanent Protection Order para sa pamilya nina Magbanua at Juat.

Tumutukoy ito sa proteksyong ibinibigay sa mga petitioner sa panahong may banta sa buhay, kalayaan at kaligtasan ng isang tao mula sa militar, pulis at estado. Sakop nito ang extralegal killings, sapilitang pagdukot atbp. banta.

Nakatakda namang magdesisyon ang CA kung pagbibigyan ang pag-iinspeksyon sa loob ng mga kampo militar at mga opisina para makatulong sa paghahanap.

Inatasan din ng CA ang militar na gamitin ang lahat ng technical at modern technological resources para sa matukoy ang kinaroroonan at malaman ang katotohanan sa likod ng kanilang patuloy na pagkawala.

Una rito, huling nakita noong Mayo 3 ang dalawa nang dumalo ang mga ito sa isang pagpupulong ng kasamahang community organizers sa Valenzuela city.

Kasama sa writ of amparo para kina Loi at Ador noong ika-23 ng Agosto ang pagbibigay ng temporary protection order para sa mga pamilya ng biktima laban sa Armed Forces of the Philippines.

Una nang inutusan ng Korte ang mga opisyal ng AFP, Department of National Defense at National Intelligence Coordinating Agency na isoli ang writ of amparo. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Court of Appeals

You May Also Like

Most Read