Latest News

DMW: Repatriates mula sa Lebanon, 10 na

By: Arsenio Tan

Iniulat ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac na nasa 10 na ang mga overseas Filipino workers (OFW) na napauwi nila sa bansa mula sa Lebanon.

Ito’y kasunod na rin nang kaguluhang nagaganap sa pagitan ng Israel at mga militanteng Hezbollah.


Ayon kay Cacdac, kabilang dito ang anim sa mga OFWs na dumating sa bansa noong Biyernes, na siyang ikalawang batch ng mga Lebanon repatriates.

Kinumpirma rin niya na may apat pang requests para sa repatriation, mula sa 26 OFWs na nasa West Bank, ang ipinuproseso na nila sa ngayon.

Aminado naman si Cacdac na ilan sa mga hamong kinakaharap nila sa kanilang repatriation efforts ay ang kakulangan ng biyahe at pagkaantala sa pagproseso ng mga dokumento nito.


Siniguro naman niya na patuloy silang naghahanap ng iba pang mas episyenteng mga pamamaraan para mas mabilis na mapauwi sa Pilipinas ang lahat ng mga repatriates.

Samantala, kinumpirma rin ni Cacdac na ang ikalimang batch ng mga repatriates, na binubuo ng 23 OFWs mula sa Israel, ang nakatakda na ring dumating sa bansa ngayong Lunes, Nobyembre 6.


“The 5th batch of 23 OFW returnees from Israel will arrive on Monday, November 6th,” tweet pa ni Cacdac.


Tags: Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac

You May Also Like