Latest News

DMW: Pinoy seafarer, na nasugatan sa Russian missile attack sa Black Sea, nakauwi na sa bansa

By: Carl Angelo

Nakauwi na sa bansa ang isang Pinoy seafarer na kabilang sa mga nasugatan sa naganap na Russian missile attack sa Black Sea kamakailan.

Ayon kay Department of Migrant Workers (DMW) Officer-in-Charge Hans Leo Cacdac, nagtamo ng fracture sa kaliwang kamay ng naturang Pinoy seafarer at nilapatan na ito ng lunas sa Odesa hospital.

Siya ay sinalubong ng mga opisyal ng DMW at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) nang lumapag ang sinasakyang eroplano sa paliparan.


“Filseafarer from Ukraine missile blast returns with his healing fractured left hand,” anunsiyo pa ni Cacdac, nang ibahagi ang larawan ng marino sa kanyang X account, dating Twitter.

Tiniyak rin naman ni Cacdac na pagkakalooban ng DMW at ng OWWA ng tulong ang naturang seafarer.

Matatandaang Nobyembre 9 nang mapinsala ng isang Russian missile ang Liberian-flagged ship sa Port of Odessa sa Ukraine, na ikinasugat ng apat na Pinoy at ikinamatay ng isang Ukrainian pilot.

Kabilang sa mga nasugatang Pinoy seafarers ay ang kapitan ng barko, isang third mate at isang engine trainee.


Tags: Department of Migrant Workers (DMW) officer-in-charge Hans Leo Cacdac

You May Also Like

Most Read