DMW: Gulf of Aden, isinama na ng IBF sa high risk areas (HRAs)

By: Arsenio Tan

Pinalawig pa ng International Bargaining Forum (IBF) ang sakop ng ‘high risk areas’ o HRAs at isinama na ang buong Gulf of Aden.

Welcome naman at suportado ng Department of Migrant Workers (DMW) ang naturang desisyon ng IBF.


Ayon kay DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac, ang joint declaration na inisyu noong Pebrero 16 ng IBF, na binubuo ng International Transport Workers Federation (ITF), at ng Joint Negotiating Group (JNG) of Employers, ay nagpapakita sa patuloy na suporta ng international maritime community para sa kaligtasan ng mga seafarers na sakay ng mga barko na dumaraan sa Red Sea at Gulf of Aden.

“The expansion of the scope of ‘high risk areas’ to include the Gulf of Aden serves as a necessary step towards providing stronger protection and promoting stricter security measures to safeguard Filipino seafarers and all seafarers working onboard ships navigating in such HRAs,” dagdag pa ni Cacdac.

Ayon sa IBF, nabatid na ang expanded HRA ay kinabibilangan na ngayon ng buong southern section ong Red Sea at ng buong Gulf of Aden na matatagpuan sa coast ng Yemen sa Arabian Peninsula, na umaabot sa coast ng Eritrea sa Horn of Africa region ng Eastern Africa.


Paliwanag ng DMW, “The designation of an HRA means that Filipino seafarers onboard ships that navigate in such waters will be entitled to the following: (1) right to refuse sailing, with repatriation at the company’s cost and compensation equal to 2 month’s basic wage; (2) a bonus equal to the basic wage, payable for 5 days minimum + per day, if longer; (3) double compensation in case of death and disability; at (4) a mandatory requirement to increase security arrangements equivalent to ISPS Level 3.”

Muli rin namang tiniyak ng DMW ang kanilang commitment na tiyakin at isulong ang proteksiyon at kapakanan ng mga Filipino seafarers.


Hinikayat rin ng DMW ang mga employers ng mga Filipino seafarers na istriktong tumalima sa expanded “high risk areas” designation at ipatupad ang mga kaukulang risk mitigation measures, gaya ng rerouting ng mga barko at pagde-deploy ng mga armed security personnel na sakay ng mga barko.

Una nang nanawagan ang DMW at malaunan ay sumuporta sa designasyon ng IBF sa Southern Red Sea at Bab al-Mandab strait bilang “high risk area” noon Disyembre 2023.


Nanawagan rin ang DMW para sa patuloy na diplomatic efforts upang i de-escalate ang tensiyon at tugunan ang mga sanhi ng kasalukuyang conflict sa Middle East.

Tags: DMW Officer-in-Charge Hans Leo J. Cacdac

You May Also Like