Nasa 32 pang overseas Filipino workers (OFWs) at isang sanggol ang nakatakda na ring umuwi sa bansa mula sa Israel.
Sa isang Twitter post, kinumpirma ni Department of Migrant Workers (DMW) Officer-In-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac ang pagdating sa Pilipinas ng mga naturang OFWs sa Biyernes, Nobyembre 17.
Ayon kay Cacdac, ito na ang ikawalong batch ng mga OFW repatriates na uuwi sa Pilipinas matapos na sumiklab ang kaguluhan sa Israel.
Kabilang aniya sa 32 returning OFWs ay 24 na caregivers at walong hotel workers.
Sila ay inaasahang sasalubungin sa paliparan ng mga opisyal at tauhan ng DMW, Department of Foreign Affairs (DFA) at ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at pagkakalooban ng mga kakailanganing tulong.
“8th batch of 32 returning OFWs (24 caregivers, 8 hotel workers) and 1 infant from Israel, arriving in the PHL on November 17th,” tweet pa ng DMW chief.