Latest News

DMW: 1,100 displaced OFWs sa Saudi Arabia, nakakuha na ng labor claims

By: Jantzen Alvin

Iniulat kahapon ng Department of Migrant Workers (DMW) na umaabot na sa 1,100 na displaced overseas Filipino workers (OFWs) sa Saudi Arabia ang nakakuha na ng labor claims at nakapag-encashed ng kanilang tseke.

Sa isang media briefing kahapon, sinabi ni DMW Office-in-Charge (OIC) Hans Leo Cacdac, hanggang nitong Lunes, Pebrero 19, ay nasa kabuuang 1,204 na tseke na ang naiproseso ng Overseas Filipino Bank (OFBank) at ng Land Bank of the Philippines (LBP) sa Alinma Bank ng Saudi Arabia.


Sa naturang bilang aniya, 1,100 ang nai-cash out na, kabilang ang 843 na inianunsiyo ni Pang. Ferdinand Marcos Jr. noong nakaraang linggo.

Pagtiyak pa ni Cacdac, asahan nang mas marami pang displaced OFWs ang makakatanggap ng kanilang claims mula sa Saudi government sa mga susunod na araw.


Ang mga naturang OFWs ay matatandaang nawalan ng trabaho at na-displaced matapos na magsarado ang mga construction firms na kanilang pinagtatrabahuhan sa Saudi Arabia.

“We should expect more checks to cover the Saudi claimants. As of today, 1,204 checks have been processed and 1,100 have been credited. It was 843 when [President Ferdinand Marcos Jr.] first announced this about a week ago,” aniya pa.


Dagdag ni Cacdac, sakop nito ang nasa 57,760,992 Saudi Riyals o 15,238,959 US dollars.

Una nang sinabi ng DMW na aabot sa 10,554 OFWs ang naghihintay ng kumpensasyon mula sa mga na-bankrupt na construction companies sa Saudi Arabia, may 10 taon na ang nakakaraan.

Tags: Department of Migrant Workers (DMW)

You May Also Like

Most Read