Latest News

Dizon, magpapakalat ng 200-300 pulis-Maynila sa Pista ng Sto. Nino

May 200 hanggang 300 miyembro ng Manila Police District(MPD) ang ikakalat sa Tondo at Pandacan sa darating na Kapistahan ng Sto.Niño sa Enero 20,2023.

Ayon kay MPD Director PBGen Andre Dizon, hindi pa naman sila nakikipag-usap sa pamunuan ng Simbahan ng Tondo at Pandacan pero nakahanda na ang mga pulis na tutulong sa pagbibigay ng seguridad sa mga idaraos na aktibidad sa Pista ng Tondo.

Ayon kay Dizon,kabilang sa tanyag na aktibidad na isinasagawa sa Pista ng Sto.Niño ay ang ‘Lakbayaw’, kung saan isinasayaw ang imahe ng Sto.Nino sa isang prusisyon, gayundin ang pagdaraos ng mga misa at ‘street parties’.


Nabatid na pagkatapos ng Pista ng Nazareño noong Enero 9, susunod naman na malaking Pista sa Maynila ay ang Pista ng Sto.Nino.

Nakatutok umano ang MPD sa posibleng mga kaguluhan lalo na kapag marami nang lasing sa kalsada. (JERRY S. TAN)


Tags: Manila Police District(MPD)

You May Also Like

Most Read