Latest News

DISQUALIFICATION CASE AT VOTE BUYING, INIHAIN SA TANGGAPAN NG COMELEC LABAN SA TUMATAKBONG KAPITAN AT MGA KAGAWAD SA BRGY. SAN BARTOLOME, QUEZON CITY

By: Victor Baldemor Ruiz

Sinampahan ng disqualification case at vote buying sa tanggapan ng Comelec sa Intramuros sa Manila ang tumatakbong Punong Barangay ng Barangay San Bartolome na si Rizza Ramos Pascual at mga tumatakbong Brgy. Kagawad na sina Dong Pascual, Gabby delos Santos, Roberto Cayanan, Jeffrey Cypress, Glenn Dela Cruz, at Angel Jun Perez.

Ayon sa sinumpaang salaysay ni Marilen Capiral, naghain ang mga nasabing kandidato ng kanilang certificate of candidacy noong September 2, 2023 para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Election.

Ngunit noong September 9, 2023 ay nakunan pa raw nila ng litrato ang mga posters at mga campaign paraphernalia ng Team Pascual sa iba’t ibang lugar sa Barangay San Bartolome.


Isa pa raw sa kanyang naging basehan upang sampahan ng reklamo sa tanggapan ng Comelec si Rizza Ramos Pascual at kanyang mga Kagawad ay ang pamamahagi nila ng pera habang sila ay nagsasagawa ng isang pagtitipon sa isang covered court sa Barangay San Bartolome. Nakuhanan din ng bidyo si Rizza na hawak ang isang bungkos na pera na tig-limang daang piso.

Nakunan din sa bidyo na namimigay si Rizza ng P500.00 sa mga dumalo sa pagtitipon.


Bago matapos ang pagtitipon ay isa-isa ring nagsalita ang mga tumakbo Kagawad upang magbigay ng mensahe sa mga residente na dumalo sa raffle bonanza na animoy nangangampanya.

Pagkatapos daw magsalita ng mga tumatakbong kagawad ay sunod naman na tinawag si Rizza Ramos Pascual at dito ay sinabi ni Rizza na ito na ang huling premature campaign na kanilang isasagawa. Dapat din ay mag 8-0 sila pagdating ng eleksyon. Hiningi rin niya ang suporta ng mga residente na dumalo sa pagtitipon.


Isa pa sa kanyang basehan ay ang patuloy na pagpo-post ni Rizza sa kanyang social media account na animoy nangangampanya kahit na ipinag-utos ng Comelec na bawal ang kahit na anong activity sa lahat ng social media page, at personal account ng mga kandidato hanggat hindi pa sumasapit ang campaign period.

Batay sa Section 80 ng Omnibus Election Code o partisan political activity outside campaign period ay mahigit na ipinagbabawal ang pangangampanya ng mga kandidato habang wala pa sa araw na itinakda ng Comelec.

Habang sa Section 261 naman ng Omnibus Election Code o Vote Buying ay mahigpit na ipinagbabawal ang pamamahagi ng kahit na anumang bagay na may halaga at pera.

Sinasabing oras na napatunayan din ng Commission on Election na lumabag sina Rizza Ramos Pascual, Dong Pascual, Gabby delos Santos, Roberto Cayanan, Jeffrey Cypress, Glenn Dela Cruz, at Angel Jun Perez, ay posibleng may basehan silang madisqualify sa kanilang kandidatura.

Tags: Marilen Capiral

You May Also Like

Most Read