Direk Darryl Yap tinanggihan ang life story ni DU30

NI GERRY OCAMPO

Ikinuwento ng controversial director na si Darryl Yap na pagkatapos ng trilogy movie ng buhay ng Marcoses ay titigil muna siya sa paggawa ng tungkol sa mga pulitiko.

“After the trilogy, perhaps I`m just gonna, you know, create more films that are not political, coz it`s consuming my energy, the stress that I`m getting,”’ pahayag ng director ng Martyr or Murderer na palabas na ngayon sa mga sinehan.


Katunayan ay may offer daw na gawan din niya ng movie ang mga Duterte.

“Well, there`s an offer for the Dutertes that I said I`m gonna rest for a while,” aniya.

Pero may dream siyang gawing movie in the next few years.

“Well, I want to tackle the life of Charo Santos…’coz she’s a very good actress and because a very important part of Phillppine entertainment, `no?


“Gusto ko ikuwento yung buhay ng tagapagkuwento. I think it`s a very good content, `no?”

Aniya: “With all the letters that she has been reading,`no? I guess if I get to tell her story, I`ll be telling the story of a millions so…I find her very beautiful, what she did with ABS CBN is far beyond compare. She’s woman of grace and I don`t think there`s a person in showbiz that can speak ill of her. She’s a very gracious and I want to create a movie about a woman who achieved greatness not just because she`s beautiful but she`s a good person.”

Gusto daw niyang si Kathryn Bernardo ang gumanap bilang Charo Santos kahit na hindi taga Viva ang actress.

“Kathryn would be very good,” say ni Direk Darryl.


Dagdag pa niya: “It’s really a dream, ‘no? I really fell in love with Ms. Charo, she’s really ano, she’s really something.”

Nasabi na noon ni Direk Darryl na gusto niyang gumawa muli sila ni Sharon Cuneta ng movie pagkatapos na idirek niya ang Megastar sa “Revirginized.”

Pero habang inaabangan kung matutuloy ang muling pagsasama nina Direk Darryl at Sharon ay tuloy na tuloy sa big screen ang film adaptation ng :The Mango Bride: na pagbibidahan ni Sharon.

Istorya ito ng dalawang Pinay na sina Amparo at Beverly na nag-migrate sa California kung saan matutuklasan nila ang mga nakatagong katotohanan.

Pero may nag-react agad na netizen na huwag daw umasta si Direk Darryl na kapag idinirek niya ang isang movie ay magiging blockbuster na ito.

Nagkataon lang daw na siya ang napili ni Senator Imee Marcos o nakapag-kumbinse kay Senadora Imee na gawin ang buhay nila noong umalis sila sa Malacanang.

At sa panahon ngayon, talagang interesado ang mga Pinoy sa nangyari sa Marcoses nang mawala sila sa posisyon at hindi dahil siya ang director.

Kahit na raw sino ang naging director ng pagsasapelikula ng buhay ng Marcoses ay siguradong magiging blockbuster at hindi ito dahil sa director.

May pahabol pa ng netizen na dapat daw magdalawang-isip si Direk Darryl kung interesado ba ang nakakaraming Pinoy sa buhay ni Ms. Charo Santos.

Tags: Darryl Yap

You May Also Like

Most Read