Latest News

DIOKNO, SUSURIIN ANG MGA PANUKALA PARA SA DAGDAG-BUWIS

PAG-AARALAN ni outgoing Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) governor at incoming Department of Finance (DOF) Secretary Benjamin Diokno ang mga bagong panukala para sa pagpapatupad ng mga bagong buwis upang madagdagan ang pondo ng papasok na administrasyon.

Sinabi ni Diokno na ang mga panukala ay mula sa papaalis na administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa naiwang utang na P3.2 trilyon na ginamit sa COVID-19 pandemic response. Kailangan umano na makalikom ng bagong administrasyon ng P249 bilyon na dagdag na kita para maipambayad sa naturang utang sa susunod na 10 taon.

“To me the focus should really be on tax administration and we need a lot of money to number one, continue our growth momentum, and two, to service our higher level of public debt,” saad ni Diokno.

Nabatid na umakyat na sa P12.68 trilyon ang kabuang utang ng nasyunal na pamahalaan sa katapusan nitong Marso dahil sa patuloy na pag-utang ng pamahalaan.

Positibo naman si Diokno na magkakaroon ng ‘sustainability’ sa pagbabayad ng utang. Sa kabila umano na higit sa 60% ang “debt-to-GDP ratio” ng bansa, hindi umano ito dahilan pa na pag-aalala hangga’t unti-unting tumataas naman ang ekonomiya ng 6%-7%.

Nitong Huwebes, inihayag ni President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang pagtatalaga niya kay Diokno bilang kalihim ng Finance department sa ilalim ng kaniyang administrasyon. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read