Latest News

DILG SEC. ABALOS, SUPORTADO ANG KAPULISAN

KAHAPON sa kanyang pagdalaw sa Philippine National police Headquarters ay tiniyak ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Sec. Benjamin Abalos na buong buo ang kanyang pagsuporta sa kapulisan.

Ayon kay SILG Abalos, sinusuportahan niya ang mga programa ng Pambansang Pulisya partikular sa war on drugs at gagawa rin umano siya ng mga paraan para huwag ma-demoralize ang PNP.

Nilinaw ng kalihim na katulong siya sa paglikha ng mga polisiya para higit na mapalakas ang kapasidad ng PNP lalo na sa pagsugpo ng kriminalidad.


Kasama na rito ang pagtitiyak na mas magiging malakas ang kanilang kaso na isasampa laban sa mga mahuhuling suspek lalo na ‘yung mga may kaugnayan sa iligal na droga.

Hindi na umano dapat mangyari na marami ang kasong nabasura ang korte dahil na rin sa kakulangan at mahinang ebidensya.


Samantala, target din ni Abalos na palakasin ang PNP Cyber Crime Group upang makasabay sa makabagong panahon at mabilis na masugpo ang mga cybercrimes.

Ayon kay Abalos , batid niya ang mabilis na pagbabago sa usapin ng cybercrime, kaya’t mahalagang magkaroon din ng mga pagbabago sa kagamitan ng PNP


Sa pagbisita ng kalihim , hinihiling niyang ipaalam sa kanyang mga mga gamit na kailangan ng kapulisan upang makaagapay sa bilis ng teknolohiya pagdating sa usapin ng cybercrime.

At kung kinakailangang kumuha ng mga eksperto para sumailalim sa pagsasanay ang mga pulis ay kanya umano itong gagawin, anang kalihim. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Sec. Benjamin Abalos

You May Also Like

Most Read