UMALMA ang Department of the Interior and Local Government (DILG) sa ipinaskil na warning ng Facebook laban kay National Security Adviser Sec Hermogenes Esperon Jr.kamakailan.
Kasabay nito ang pagtuligsa ng DILG Facebook at sa biased nilang fact-checkers dahil sa kanilang kawalan ng ingat at kapangahasan na maglabas ng babala sa National Security Adviser (NSA) ng Pilipinas hinggil sa FB post nito nuong Abril 14, 2022 na humihimok sa sambayanang Filipino na magkaisa para wakasan ang Communist insurgency.
Ang kawalang-ingat ng FB na bigyan ng babala si Secretary Esperon sa isang isyu na may kaugnayan sa pambansang seguridad ay hindi maiisip at talagang nakakasakit dahil ang kanilang social media platform ay umaasta na isang Big Brother na may kapangyarihang punahin ang mga post sa social media ng NSA mismo na may kaugnayan sa mga usapin ng pambansang seguridad, ayon sa inilabas na statement ng DILG
Ayon kay Undersecretary Jonathan E. Malaya, DILG at NTF ELCAC Spokesperson, “ this move of FB is alarming, if not dangerous, as it has appointed itself as an omnipotent force that can censure at their discretion — based on standards that they themselves created — the legitimate posts of highly respected officials of the country.”
Kwestyunable rin umano kung paano ang FB at kanilang fact checkers ay tila masyadong nakatutok sa pagtawag at paghihigpit sa mga account ng mga opisyal ng gobyerno habang naka pikit sa iba.
“ We, therefore, urge FB to revisit and modify its so-called standards that are obviously one-sided and serve to promote the interests of the few and powerful. They can start by consulting their users whose patronage of their platform has made their business thrive,” ani Malaya .
Finally, we call on FB to stick to its goal of helping people connect and engage, and to leave national security matters to the experts, dagdag pa ng DILG information officer added. (VICTOR BALDEMOR)