Latest News

DILG, NAG-ALOK NG P10-M SA ULO NI PASTOR QUIBOLOY

By: Victor Baldemor Ruiz

INIHAYAG kahapon ni Interior and local Government Secretary Benhur Abalos na may mga kaibigan at taga-suporta ng Philippine National Police ang naga-alok ng P10-milyong pabuya para sa sinumang makakapagturo para sa ikadarakip ng puganteng lider ng Kingdom of Jesus Christ Pastor Apolo Quiboloy.

Sa ginanap na pulong- balitaan kahapon sa Camp Crame ay inanunsyo ni DILG Sec. Benhur Abalos ang P10-M pabuya kapalit ng impormasyong magreresulta sa pag-aresto kay Quiboloy.

Bukod dito ay may alok din na reward na tig-P1 million para sa impormasyon na makatutulong sa pagtunton sa iba pang mga kapwa akusado sa kaso na may kaugnayan sa human trafficking at child abuse at kinilalang sina Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid Canada, Sylvia Camanes at Jackielyn Roy.

Samantala, pinag-aaralan naman ng Philippine National Police kung posibleng masampahan ng kaso si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte dahil sa pagtulong o pagtangging ituro ang kinaroroonan ni Quiboloy.

Inihayag ni SILG Abalos na pinag-aaralan nila kung may pananagutan ba ang dating Pangulong Duterte kaugnay sa paglabag sa Presidential Decree 1829 na nagpapataw ng kaparusahan o “punishes acts knowingly and willfully committed with the intention to obstruct, impede, frustrate or delay the administration of justice.’

Posible umanong nilabag ni Duterte ang prinsipyo ng “obstruction of justice, coddling or harbouring or concealing fugitives” dahil sa pagtanggi nitong ipaalam ang kinaroroonan ng puganteng KOJC leader.

Magugunitang kamakailan ay nagpahayag ang dating Pangulong Duterte na: “Alam ko kung san si Pastor, pero secret.”

“Obstruction of justice po ‘yan. And we’re checking po if we can file against these people,” pahayag ni PNP Chief Gen. Rommel Francisco Marbil.

“Sabi niya na alam niya, then we’re looking and we’re getting witnesses to file a case against these people. Hindi po tayo pwedeng magtago ng pugante.

I just want to make it clear, hindi po siya pastor. He’s a fugitive of the law. Tatlong buwan na e, more than two months na pong nagtatago,” ayon pa sa heneral.

Tags:

You May Also Like

Most Read