DILG, KINONDENA ANG ATENEO SHOOTING

KINONDENA ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang naganap na pamamaril sa harapan ng Gate 3 ng Ateneo de Manila University na nagdadaos ng kanilang College of Law commencement exercise na ikinasawi ng tatlong katao kabilang ang dating lady mayor ng Lamitan City Basilan.

“The DILG sincerely sympathizes with the family of the victims of this unfortunate incident as we assure them that we will strengthen the case against the suspect, file the necessary charges, and ensure that the suspect will languish behind bars, ayon sa inilbas na pahayag ng DILG.

Kinilala ang suspek sa pamamaril na si Dr. Chao Tiao Yumul ng Lamitan City, Basilan, na nadakip din kaagad matapos ang pamamaril.


“We likewise commend PNP Quezon City Police District and the Anonas Police Station for their swift action that led to the immediate arrest of the suspect.

Samantala, sinabi ng pulisya na patuloy din ang imbestigasyon sa suspek sa pamamaril na si Dr. Chao-Tiao Yumol makaraang malaman na matagal nang may alitan ang dalawang panig.


Nasawi sa pamamaril si dating Lamitan City Mayor Rose Furigay, kaniyang aide na si Victor Capistrano, at ADMU security guard na si Jeneven Bandiala.

Ayon sa isa sa mga naging abogado ni Dr. Yumol sa kanyang FB post ang nagsabing posibleng inilagay umano ng suspek ang hustisya sa kanyang mga kamay para sa mga kabataang naging biktima ng droga na kagagawan umano ng mga drug lords na nasa kanilang lalawigan.


Nabatid na inaresto ng mga awtoridad ang suspek bunsod ng ilang kasong isinampa ng pamilya ng biktima at ipinasara din umano ang klinika nito .

Alam ko ang lahat ng kanyang kwento dahil sa naging client ko sya sa 56 counts na cyber libel na isinampa ng mga Furigay laban sa kanya, pahayag naman ni Atty. Bertini ‘Toto” Cataluña Causing

May mga ebidensya siya na pinakita na isang mag-asawang pulitiko sa kanilang lalawigan ang pinakamalaking DRUG LORD sa Basilan at Zamboanga.

Sinasabing minsan ay may umatake kay Doctor Yumol na binugbog gamit ang mga matitigas na bagay, na muntik nang mamatay dahil sa halos mabasag ang kanyang bungo, ayon pa sa FB post ng abogado. (VICTOR BALDEMOR)

Tags: Dr. Chao Tiao Yumul

You May Also Like

Most Read