Latest News

DILG building sa likod ng MPD HQ, nasunog

By: Carl Angelo

Nadale ng sunog ang rooftop ng kasalukuyang ginagawang gusali ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa likod ng Manila Police District (MPD) Headquarters sa United Nation Avenue sa Ermita, Maynila.

Batay sa Manila Bureau of Protection, alas- 6:30 ng umaga nang makita ang makapal na usok sa rooftop ng ginagawang DILG Building na nasa likod ng MPD Headquarters.

Idineklarang fire-out alas 7:10 ng umaga ang sunog at aala namang iniulat na nasaktan o nasawi sa nabanggit na sunog.


Sa kasalukuyan ay patuloy na iniimbestigahan ng Arson Division,ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian sa insidente.


Tags: Department of Interior and Local Government (DILG)

You May Also Like

Most Read