DILG: 85K PDLS, NAKALAYA DAHIL SA PARALEGAL SERVICES

By: Victor Baldemor Ruiz

Inihayag kahapon ng Department of the Interior and Local Government (DILG) na umaabot sa 85,183 persons deprived of liberty (PDLs) ang napalaya mula sa mga kulungan sa buong bansa mula Hunyo 2024 hanggang Mayo 2025 sa pamamagitan ng pinalakas na paralegal services ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP).

Ayon sa DILG, naging susi ang paralegal program ng BJMP para mapaluwag ang mga piitan at matugunan ang jail congestion na nararanasan sa halos lahat ng detention facilities sa pamamagitan ng pagtulong sa mga qualified PDLs na makakuha ng legal remedies para sa mas maagang paglaya.


Base sa ulat ng BJMP, nasa 11,139 PDLs ang napagkalooban ng good conduct time allowance (GCTA); 8,280 ang pinalaya under probation; 23 ang on parole at 8,825 ang on bail.

May kabuuan namang 7,431 PDLs ang napawalang-sala at 16,311 ang pinalaya dahil natapos na nila pagsilbihan ang kanilang sentensiya.

May 340 ang pinatawan na lamang na magsagawa ng community service at huwag nang ikulong, habang 3,570 ang ‘released on recognizance.’


To support ongoing decongestion efforts, the BJMP is also constructing 43 new jail buildings nationwide, including perimeter fences and standardized functional areas to improve overall detention conditions, pahayag pa ng DILG. VRUIZ

May 15,085 PDLs naman ang inilipat sa ibang pasilidad gaya ng Bureau of Corrections, provincial jails, drug treatment centers at youth detention facilities, para matiyak ang tamang custodial management.


Samantala, may 5,667 cases naman ang pinatawan ng permanently dismissed, habang 6,342 ay ginawaran ng provisional dismissal.


Tags: Department of the Interior and Local Government (DILG )

You May Also Like