Latest News

Diether Ocampo sugatan matapos bumangga ang SUV sa dump truck

Ni Beth Gelena

NAAKSIDENTE ang aktor na si Diether Ocampo.

Bumangga ang kanyang sasakyan sa isang dump truck sa Makati City.


Sugatan at mga galos ang tinamo ng aktor sa aksidente na nangyari sa Osmeña Highway, Bgy. Pio del Pilar, Makati City bandang alas-12:40 ng madaling araw.

Agad na isinugod sa ospital si Diet para malapatan agad ng lunas.

Ayon sa report, ang Ford Explorer na minamaneho ni Diet ang bumangga sa truck ng basura na nakahinto para mangolekta ng basura.

Wala namang naireport na mga nasaktan sa mga taong nangongolekta ng basura at ang aktor lamang ang nagtamo ng injuries.


Mabilis namang kumalat sa internet ang mga larawan ni Diether habang nire-rescue.

Maraming netizrns ang nagdasal para sa madaliang paggaling ng aktor.

Pansamantalang nagpahinga sa showbiz ang aktor nang pumasok ito bilang miyembro ng Philippine Coast Guard Auciliary noong 2019.

He is now working with the PCGA as a lieutenant commander and has completed the Seafarer’s Training Program.


Pero bago ang mga ito, nag-aral din si Diether ng pulmonary therapy.

Ngayon ay isa na siyang Lieutenant Commander ng Philippine Coast Guard Auxiliary.

Nagbalik-showbiz si Diet via sa teleserteng Huwag Kang Mangamba.

Tags:

You May Also Like

Most Read