Latest News

DIEGO LOYZAGA PINAKITA NA ANG BABY GIRL

By: Beth Gelena

FLINEX ni Diego Loyzaga ang kanyang baby girl sa social media.

Karga ang anak ang ipinost na photo ng aktor kung saan sila ay nasa Busselton Jetty sa Australia.

“Somebody liked the beach,” ang caption ni Diego sa post.

Agad namang inulan ng komento mula sa pamilya at kaibigan ng aktor sa photos nilang mag-ama.

Maging ang ina niyang si Teresa Loyzaga ay hindi nagpahuli.

“Pochola! My heart is full,” komento ng aktres.

Maging si Sunshine Cruz ay nagreak ng tatlong heart-eyed face emojis.

Ang half -sister niyang si Sam Cruz ay nag-iwan din ng heart emoji, with the words “baby girl.”

Hindi pa naiuuwi ni Diego ang kanyang baby kaya sabik na siyang makita at mahagkan ng kanyang Lola Teresa at Lolo Cesar (Montano).

Tags:

You May Also Like

Most Read