TINUTUTUKAN ngayon ng mga scientist at manggagamot ang “long term” na epekto ng pagkakaroon ng COVID-19 at kabilang na dito ang pagtaas nang panganib na magkaroon ng diabetes.
Base sa pag-aaral, isa umano ang diabetes sa maaring maging side effects ng malalang COVID-19 infections.
Isa umanong nakarekober sa COVID-19 infection na nakilalanh si Jenniger Hobbs ang nag a-adjust pa sa kanyang new normal matapoa na tumaas ang diabetes sa Type 2.
Bago umano siya dinapuan ng COVID-19 na diagnosed siya na prediabetea pero ang kanyang blood sugar levels ay kontrolado at hindi niya kailangan ng anumang gamot pero kamakailan ay na diagnosed na siya na may diabetes at iniisip niyankung may kinalaman ang pagiging positibo niya sa COVID19.
Sa isang napalathalang pag aaral nitong buwan ,ang mga taong nagkaroon ng mild Covid-19 infections sa Germany , 28% ang may new diagnosis ng type 2 diabetes kumpara sa mga taong hindi nagkaroon ng impeksiyon.
Ito ay may katulad na pag aaral sa United States na tumaas rin ng 49% ang mga taong nagka diabetes matapos na makarekober sa COVID19.
Ayon sa mga mananaliksik 2 sa 100 tao na nagka impeksiyon ng COVIS19 ay nagkaroon ng diabetes.
Sa pag-aaral ng US na nailathala sa medical journal na “The Lancet” na maging ang mga tai na mababa at walang sintomas oata magka diabetes,naging daan ang COVID 19 infection para ang 38% sa kanila ay magkaroon ng diabetes.
Nalamam na ang pagkakarion ng mas malalang COVID 19 infection ay mas mataas na panganib na magka diabetes.
Sa mga taong ginagamot sa ICU,tumaas ng 276% ang pasyente nagka diabetes.
Ito naman ay iniugnay sa stweoids na ibinigay sa mga pasyente sa hospital na nakapagpataas sa blood sugar levels.
“This is not diabetes for a month or two after recovery. This is for a year out, and it’s happening certainly in people who are not hospitalized,” ayon sa lead Dr. Ziyad Al-Aly, chief ng research and development sa VA St. Louis Health Care System at clinical epidemiologist sa Washington University sa St. Louis.
Ginamit sa pag aaral ang national databases para sa US Department of Veterans Affairs na sumubaybay sa mahigit 180,000 katao na nagka Covid-19.
Nabatid na sa mga bata ,mas malala ang pagkakaroon ng diagnosed diabetes.
Base sa ulat mula sa US Centers for Disease Control and Prevention inilathala nitong Enero ay 2½ ulit na nadiagnose ang mga bata matapos ang Covid-19 infection kumpara sa mga hindi nagkaroon ng impeksiyon. (Baby Cuevas)