Latest News

Di sinipot ng “jowa” sa bday, kelot, nagbigti

Wala nang buhay nang madiskubre ang isang 23-anyos na lalaki matapos na magbigti nang hindi siputin sa kanyang birthday ng ka-live in, kahapon ng madaling araw sa Sta Ana,Maynila.

Kinilala ni Pat. Errol Aguila,imbestigador ng Manila Police District -homicide section,ang biktimang si Mark Anthony Estefanie,ng 3164 B 16 New Panaderos,Sta Ana,Maynila.

Natagpuang nakabigti ang biktima gamit ang kulay pulang nylon cord sa kisame ng kusina ng bahay, ala-1:20 ng madaling araw.

Huling nakitang buhay ng kanyang stepmother na si Maricen Santos, ala-11:30 ng gabi ang biktima.

Gayunman ,nagising si Santos pasado ala – para umihi nang makita niya ang suicide note para sa kapatid ,ama at sa kanya na ginawa ng biktima.

Kaagad na tinawag ang ama ng biktima at pinagtulungan na ibaba at i-revive pero hindi na ito gumagalaw.

Ayon sa pamilya ng biktima,inaasahan umano ng biktima na darating sa kanilang bahay ang kanyang ka-live in sa araw ng kanyang birthday pero hindi ito dumating, dahilan para ma- depress ang biktima.at magpakamatay.

Tumanggi naman ang ama ng biktima na si Mer-Allan na paimbestigahan ang pagkamatay ng anak sa paniniwalang walang naganap na ‘foulplay’ sa pagkamatay ng biktima. (Arsenio Tan)

Tags:

You May Also Like

Most Read