Di pa huling ‘variant of concern’ ang COVID-19 Omicron

Siniguro ni Infectious diseases expert Dr. Edsel Saldana na hindi pa huling variant of concern ang COVID19 Omicron variant .

“Definitely, hindi. Hindi magiging huling variant ang omicron dahil patuloy ang pag-mutate ng virus at marami pa ring mga tao, unfortunately, na hindi pa rin nababakuhan o hindi pa rin nabo-boost,” ani Salvana.


Ang virus ay mabilis na kumakapit sa mga hindi bakunadong tao na nangangahulugan ng panganib sa mutations.

“Habang may mga tao pong ganiyan, may pockets na unvaccinated, the threat of a new variant is always there,” dagdag ni Salvana.

Nagbabala pa si Salvana na miyembro ng Department of Health technical advisory group na mas mapanganib na dapuan ng COVID 19 infection,ang vulnerable group.


Nanawagan si Salvana sa publiko na kumplwtuhin ang kanilang bakuna at magpa booster.

Nabatid na ang Pilipinas ay naka detevt ng P 1,400 bahong omicron subvariants, at 9 delta infections


Noong nakalipas na linggo, naka detect ang DOH ng karagdagang 1,400 kaso ng mas.nakakahawang offshoots ng COVID-19 omicron variant.

Ito ay kinabibilangan ng 1,200 nagong kaso ng omicron BA.5, 33 pang kaso ng BA.4, tatlong BA.2.75, dalawang BA.2.12.1, at 162 pa ng “other sublineages”.


Itinuturing na ang lahat ng Omicron variants ay mild na sakit dahil sila ay nasa upper nasal at hindi gaanong pumupunta sa baga.

Tags: Infectious diseases expert Dr. Edsel Saldana

You May Also Like