Hindi umano maaring ideklarang nuisance candidate ang isang kandidato na hindi kilala,walang pera at walang kina-aaniban na partidong pulitika.
Ito ang naging desisyon ng Supreme Court (SC) matapos ipawalang-saysay ang isang desisyon ng Commission on Elections (Comelec) na nagkansela sa certificate of candidacy (COC) noong May 9, 2022 elections ng isang kandidato sa pagka-Senador dahil sa pagiging nuisance.
Pinaalalahanan ng SC ang Comelec na sinuman na may intensiyon na tumakbo ay hindi maaring ideklarang nuisance kung siya ay hindi kilala, walang kapasidad na magsagawa ng nationwide campaign o hindi kaanib sa anumang partido.
Sa 20-pahinang desisyong inilathala online sa kabila na “moot” ,ito ay itinuturing na isang panalo kay Norman Marquez, na idineklarang nuisance candidate ng Comelec noong Disyembre 2021.
Nabatid na si Marquez, na nagsabing siya ay isang animal welfare advocate, ay nanalo sa kaparehas na kaso laban sa Comelec noong 2019
“The attempt of the Comelec to pass off the inability of Marquez to wage an election campaign as an indication of lack of bona fide intent to run for office is unconstitutional and will not be allowed by the court.”ayon sa desisyon ng SC.
“Declaring one a nuisance candidate simply because he or she is not known to the entire country reduces the electoral process — a sacred instrument of democracy — to a mere popularity contest. The matter of the candidate being known (or unknown) should not be taken against the candidate but is best left to the electorate,” dagdag pa ng SC.
Sinabi pa ng SC na walang batas na nagsasabi ba bago ka payagan na tumakbo,dapat ikaw ay miyembro ng partidong pulitikal.(Jantzen Tan)