Latest News

‘Di awtorisadong paglalabas ng larawan ng monkeypox patient, pinai-iimbestigahan ni Vergeire

Pinaiimbestigahan ni Department of Health Officer In Charge Maria Rosario Vergeire ang kumakalat na larawan sa social media ng ik- apat na pasyente ng monkeypox sa bansa.

Sinabi ni Vergeire na ang hindi awtorisadong paglalahad ng pribado at confidential information ng medical condition ng isang pasyente ay isang paglabag sa umiiral na batas.


“That is a clear violation of our laws on data privacy and even for Republic Act 11332 [or Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act,”ani Vergeire sa isang press briefing.

Tinukoy ni Vergeire ang isang 25-anyos na Pilipino na ika-apat na monkeypox patient na na-detect ng DOH.

Sa kabila na hindi inilagay ang address ng pasyente, ilang media outfits sa IloIlo ang nagbahagi ng larawan ng pasyente.


“Na-trace natin kung saang lokasyon and we have instructed already our regional director to do an investigation on this para po sa kapakanan ng ating kababayan or individual na may sakit,” dagdag nj Vergeire .

Kinumpirma ng DOH ang ika-apat na kaso ng.monkeypox matapos na.magpositibo sa PCR test noong Agosto 19 .


May 14 na close contacts ang nakilala ng DOH pero hindi naman sila kinakitaan ng sintomas ng sakit.

Patuloy namang iniimbestigahan kung paano nakuha ng pasyente ang sakit dahil wala naman itong travel history. (Jantzen Tan)


Tags: Department of Health Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire

You May Also Like