Latest News

Destabilization efforts kay NBI director Santiago, ‘di magtatagumpay

By: Jerry S. Tan

Nakakalungkot ang nabalitaan ng inyong lingkod na may gumugulong na ‘destabilization efforts’ laban kay National Bureau of Investigation (NBI) Director Jimmy Santiago sa kasalukuyan.

Ayon sa ilang insiders, ang nasa likod daw ng nasabing maitim na plano ay yaong mga taong ‘disgruntled’ dahil hindi na-appoint nang naaayon sa kanilang kagustuhan.

Sa kabila niyan, hindi nagpapatinag si Santiago dahil masyado itong busy sa trabaho para patulan ang mga intrigador at mga tangkang siraan siya.


Sa totoo lang, mahirap siraan ang isang kagaya ni Santiago. Una sa lahat, sobrang kwalipikado siya sa hinahawakan niyang posisyon. Hindi ‘yung tipong inilagay lang doon kahit hindi kwalipikado.

Bukod pa diyan, siya ay kilala bilang napakagaling na opisyal ng noon ay Western Police District, na siyang pinaka-pangunahing pulisya sa bansa. Hindi basta opisyal si Santiago doon kundi naging hepe pa ng SWAT at sa dami ng kanyang mga naging accomplishents ay naisa-pelikula pa ang buhay nito.


Nag-aral at nakatapos si Santiago ng abogasya habang siya ay nasa pulisya, hanggang sa maging ganap na abogado.

Kaya naman mula sa pagpu-pulis ay naging piskal ito, Judge ng MTC at RTC at naging Executive Judge pa.


Sa haba ng kanyang pagiging serbisyo-publiko, hindi kailanman nadawit sa anumang katiwalian si Santiago.

Sa katunayan, sa kanyang pagdalo sa MACHRA Balitaan forum ng Manila City Hall Reporters’ Association kamakailan lamang, pinalakpakan ng mga dumalong kasamahang media ang kanyang naging kasagutan nang tanungin kung ano ang iiwan niyang ‘legacy’ sa NBI balang araw.

Eto ang eksaktong sinabi niya: “Alam ninyo, sa pamilya ko, sa mga kababayan natin, sa mga kaibigan ko, kayo sa media, kilala n’yo na si SPO4 Jimmy Santiago. Ang gusto kong maiwan na legacy ay ito talaga— merong isang pulis na naging piskal, naging MTC judge, naging RTC judge, naging NBI direktor, hindi corrupt.”

Totoo ‘yan. Personal kong kakilala si Santiago at ni minsan, wala akong nabalitaan na nasangkot siya sa anumang katiwalian o kalokohan.

Matalino, mabait, magaling, may dibdib, may prinsipyo. ‘Yan si Jimmy Santiago kaya kung tutuusin, mapalad ang mga taga-NBI dahil matino ang nagpapalakad sa ahensiya nila.

***

Maaring mag-text o tumawag sa 0917-5225128 para sa anumang reaksyon.

Tags: double tap, jerry s. tan

You May Also Like

Most Read