Latest News

DESISYON SA DQ NI BBM, PWEDE PA BALIGTARIN NG SC — GUANZON

NANINIWALA si dating Commission on Elections (Comelec) Commissioner Rowena Guanzon na maari pang baligtarin ng Supreme Court (SC),ang ginawang pagbasura ng First Division sa disqualification case ni dating Senador at Presidentiable Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

Sinabi ni Guanzon sa ginanap na virtual forum na “mahina” at “mababaw” ang ruling.

“Buti nga mahina itong resolution para madaling baliktarin sa Supreme Court,” ayon kay Guanzon sa ginanap na Kawani Kontra Daya forum. “Napakababaw naman po ng resolution nila.”


Binigyang-diin pa ni Guanzon na ang pagkakaantala ng pagpapalabas ng resolusyon ay bahagi ng sabwatan sa panahon ng halalan.

“Ide-delay ‘yung kaso ni Bongbong kasi alam naman nila na idi-disqualify ‘yan ng Supreme Court ,”dagdag pa ni Guanzon.

Una nang ibinasura ng First Division ng Comelec ang consolidated disqualification cases laban kay Marcos dahil sa kawalan umano ng merito.


Tags: ,

You May Also Like

Most Read