Latest News

Desisyon NG ICC, pinarerekunsidera ng DOJ

Iginiit ng Department of Justice (DOJ) sa International Criminal Court (ICC) na irekonsidera ang kanilang desisyon sa kahilingan ng Pilipinas na ihinto ang kanilang imbestigasyon sa kontrobersiyal na drug on war ng dating administrasyon.

Nagpahayag rin ng labis na pagka dismaya at matinding pagtutol ang DOJ sa naging desisyon ng ICC dahil binalewala umano nito ang prinsipyo ng ” complementarity” sa ilalim ng international law at ang soberenya ng bansa.


Sinabi pa ng DOJ na ang desisyon ng ICC ay base lamang sa depwkto nilang interpretasyon dahil nabigo silang kilalanin ang legal system ng Pilipinas.

“The principle of complementarity, as enshrined in the Rome Statute, acknowledges the primary jurisdiction of national courts in prosecuting crimes and ensures ICC intervention only when national authorities are unable or unwilling to act,” ayon DOJ.

Gayundin ,igiit ng DOJ ang opinyon ng 2 sa 5 judges na nagpunta ng nagkaroon nang pagkakamali sa desisyon ng mayorya.


Kinilala ng mga naturang hukom ang commitment ng Pilipinas sa rule of law at pagkakaroon ng independent at epektibong legal system.

“The Philippines firmly believes in the importance of accountability and justice for all. We remain committed to investigating and prosecuting any crimes that fall within our jurisdiction, and our domestic legal system is fully capable of doing so,” dagdag pa ng DOJ.


Samantala ay tniyak naman ng DOJ na ipagpapatuloy ang paghahanap ng hustisya at katotohanan sa lahat ng lumabag sa karapatang pantao sa kontrobersiyal na drug war. (JANTZEN ALVIN)


Tags: Department of Justice (DOJ), International Criminal Court (ICC)

You May Also Like

Most Read